Kawayan
Ikaw na nga iyong binigyan, ikaw pa iyong galit. Teka teka. Parang may mali yata doon. At paano kung magalit sila at bawiin na lang nila lahat-lahat? Saan na tayo pupulutin niyan?
Hindi mo maaaring gawing batayan ang iba para sa kung anong dapat mangyari dito. Ito ang proseso dito – ang siyang nakagawian. Ganito na ito bago ka pa pumasok sa larong ito. Kaya’t ngayong sumali ka na, huwag mong isiping magbabago ang takbo para sa iyo. Bagkus, matuto kang maging kawayan, sumabay sa ihip ng hangin at matutong tumungo paminsan-minsan.
What do you think? Please leave a Reply