Hilaw ang U-Turn
Sa aking palagay, hindi ganon ka-epektibo ang mga u-turn na nilagay ng MMDA sa mga sulok ng kamaynilaan. Hindi yata nila alam na hindi lang dapat natatapos ito sa paglagay ng butas sa mga center island – na kapag naglagay ng u-turn kailangan ding isipin na bigyang gabay ang mga linya ng mga motoristang gagamit o dadaan dito.
Aking napapansin na hindi binigyan ng masusing pag-iisip ang pag-alaga sa bawat isang linya ng sasakyan. Hinahayaan na lang nila ang motoristang makipag-gitgitan at brasuhan sa isa’t isa imbes na ginagabayan sa tamang daan.
Bilang pagsubok, magmaneho sa isa sa mga inner lane ng EDSA o ng C5. Pihadong mapapansin ng nagmamaneho na kailangan niyang lumipat ng ibang linya makalipas lamang ang ilang kilometro. Kung baga, itinapon na lamang sa hangin ang kapakanan ng kung sino mang gagamit nito.
Hindi ito dapat. Hindi lamang pintura sa kalye ang mga linya. Sa wikang Ingles, it should cradle the motorist to his proper destination.
What do you think? Please leave a Reply