Halaga

Let’s do a little Leyds-mode.

umiiyak ka na naman.

‘langya talaga wala ka na bang ibang alam?

namumugtong mga mata

kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

sa problema na iyong pinapasan

hatid sa iyo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan?

may kwento kang pang drama na naman

parang pang TV na walang katapusan.

hanggang kailan ka ba ganyan?

hindi mo ba alam na walang pupuntahan

ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga,

na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka?

sa libo-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama

iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya.

naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya.

siguro ay hindi niya lang alam ang yong tunay na halaga

hindi na dapat pag-usapan pa.

napapagod na rin ako sa aking kakasalita.

hindi ka rin naman nakikinig.

kahit sobrang pagod na ang aking bibig

sa mga payo kong ‘di mo pinapansin.

akala mo’y nakikinig ‘di rin naman tatanggapin

ayoko nang isipin pa.

‘di ko alam ba’t di mo makayanan na iwanan siya.

ang dami-dami naman diyang iba.

wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita

na lalaki na magmamahal sa ‘yo

at hinding hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo.

sa libo-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama

iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya.

naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya.

siguro ay hindi niya lang alam ang yong tunay na halaga.

minsan hindi ko maintindihan.

parang ang buhay natin ay napapagtitripan.

medyo malabo yata ang mundo.

binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko.

sa libo-libong pagkakataon na tayo’y nagkasama,

iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya.

naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya.

siguro ay hindi niya lang alam ang yong tunay na halaga.

Advertisements

What do you think? Please leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: