Paglundag sa Dilim
Para sa G. Calasanz
(Isang sa aking tula noong ako’y nasa kolehiyo. Nailathala sa Exclamation Point!)
Lumundag ako sa dilim
Walang naroroon
Naaalaala ko noong may manukan pa kami sa Malvar. Ngayon ko lamang naintindihan kung bakit nagagawa pang kumaripas ng takbo ang isang manok kahit pugot nang ulo nito.
Sa puntong ito, mukhang hindi pa yata nagrerehistro sa aking isip ang bigat ng aking ginawa. Hindi pa nito siguro lubos nakukuha na hindi maaaring tanggapin ng isipan ang umasa sa likod ng kawalang pag-asa.
Nagbabanta na ang sakit. Nakatakda na ang pagdating nito. Hinihintay na lamang. Wala ang pagsubok ngayon. Bukas ito darating. At sa mga susunod pang araw.
Kung kayang tumakbo ng matuli’t malayo ng isang manok na walang ulo, ikinitatakot ko ang aking gagawin habang bumaba sa hukay na aking ginawa.
What do you think? Please leave a Reply