Extra pearls please
Naglalabasang parang mga kabute ngayon ang mga Text Channels. Bukod sa mga naunang channel sa cable na LinkTV at PinoyCentral, alam mo bang maaari ka nang kumanta at magchat sa The Lounge? O kaya nama’y sumama sa news discussion sa ANC? O manood ng tagalog movie at makipagharutan sa Cinema One? O maging music fanatic at flirter in one sa MYX? At siyempre, hindi ko kakalimutan ang the ultimate – na maging isang mabuting miyembro ng lipunang Iglesia ni Cristo at makichat sa Net 25? Hindi rin pumayag magpaiwan ang mga malalaking network sa karera with GMA 7’s TXTUBE at ang bagung-bagong Kool on Kam ng ABC 5!
I find it really strange but I sense that the pearl shake fad has finally been overtaken by another. So now it’s Lechon Manok, Shawarma, Pearl Shake and Text Channels?
What do you think? Please leave a Reply