Dear Kuya Blogger,

Magandang gabi sa iyo! Matagal na kitang hindi nakakausap kaya’t miss na miss kita. Kumusta ka na ba? Bakita ko’y may asawa’t anak ka na’t naninirahan na sa isang bungalow. Anu’t ano pa ma’y umaasa akong nasa mabuti kang kalagayan ngayon.

Marami akong gustong ikwento sa iyo.

Nitong huling Linggo’y nagbisikleta ako sa Batangas at sa unang pagkakataon pagkatapos nang matagal na panahon ay nahilo ako sa biyahe bagama’t hindi pa ito nakakalayo. Doon ko nalamang walang wala na ako sa kundisyon at kailangan ko na ulit mag-ensayo kung ibig ko pang makarating ng malayo. Isa pa’y nawala na yata ang mga kayo ng pwet ko dahil nanakit ito dahil sa pag-upo sa silyeta ng bisikleta. Naisip kong ganito yata kasakit ang magkaroon ng boyfriend na bading! Naawa tuloy ako sa mga kolboy na naka-tambay sa Circle.

Mabuti na lamang at nakabawi ako nitong Lunes. Bumiyahe kami mula San Miguel hanggang Sto. Niño. Nainis lang ako dahil maayos na ang kalye dito. Hindi na masyadong sira ang mga daan. Bakit pa nga ba kailangang ipagawa ng mga pulitiko ang mga daang bukid? Nauubos tuloy ang mga magagandang lugar na maaari naming bisitahin.

Oo nga pala, nabili ko sa murang halaga ang Oakley ni Wenny na galing kay Marlon na galing kay Rigo na ako ang bumili.

Ngayong darating na akinse’y papaalis na ang isang kaibigan. Hindi ko naman kayang pigilin. Natatakot na nga ako sa kahihinatnan ng aming grupo dito. Saan na kami pupulutin ngayon?

Palagay ko po’y hanggang dito na lamang. Sa ngayo’y hinihintay ko pa ang padalang chicks ng Diyos sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s