Pamatay ang mga biyahe sa Batangas. Simula November 2 hanggang November 4, hindi bumababa sa 30 kilometers ang binibisikleta namin.
Noong November 2, nagbisikleta kami papuntang Anilao sa may Mabini para subukan sa biyahe ang bagong batalya. Pagdating namin sa may palengke, nag-agahan lang kami ng inihaw na baboy at kanin at pumidal na rin pauwi. Hindi rin biro ang 40-kilometer ride na ito.
Sunod na araw, gamit ang hardtail, bumiyahe naman kaming papuntang Cuenca dahil nabalitaang merong pakarera doon. Sixteen kilometers naming ginapang ang ahon mula bayan ng Batangas hanggang Cuenca, kaya’t 15 kilometers naman na lusong pauwi. Dumaan na rin akong sementeryo’t nagtirik ng kandila sa mga kamag-anak at kaibigan.
Bumiyahe kami naman kahapon papuntang Ibaan para kumain ng lomi, pero hindi namin kinuha ang maikling ruta. Mula bayan ng Batangas, ginapang namin papuntang Fortune Cement, tapos kumaliwa papuntang Taysan, dumeretso ng Rosario at saka pa nag-Ibaan. May nakita pa nga kaming grupo din ng siklistang taga-Candelaria sa Quezon na nagpapahinga sa may Rosario. Higit 60 kilometers and biyaheng ito pero sulit naman dahil sa pansit gisado.
What do you think? Please leave a Reply